• 105/365: Ang dami nila!
Nagbangka kami ni KC pagka-gising na pagka-gising pa lang. Pinagbigyan ko na kasi kahapon pa niya gustong gawin un. Eh mainit nung nagyaya siya kahapon kaya sabi ko mayang hapon na lang… ang nangyari eh high tide pala pag hapon kaya hindi na kami pinayagan. =p
Kaya nitong umaga, ayon nirentahan namin ung “pink chorva” ng Php50.00 isang tao, good for one hour na rin un. Maagang exercise na rin namin un kasi para kaming nag-bike. Nagpepedal kasi para umandar ung parang bangka. ayon. Masaya naman… daming napag usapan at first time kong makakita ng SEA URCHINS. Tuwang-tuwa ako. Kala ko nga hindi klaro nung pinicturan ko eh… un okay naman pala. Ang astig talaga! hahaha